Posted in Tagalog Quotes

Enjoy lang

Totoo man o hindi ang isang alamat, wala paring makapipigil kung ito’y maganap man. Malawak ang mundo, marami pang bagay and di alam ng tao kung kaya’t huwag nating ikulong ang mga sarili natin sa mga posibilidad na maari pang mangyari. Ang mahalaga ienjoy nalang natin ang buhay, sumabay sa lunday at matutong sumangga sa alon.

Advertisements
Posted in Tagalog Quotes

Lunday

Hindi aagos ang tubig kapag maraming nakabara sa daluyan nito. Panatilihing malinis ang daluyan upang ito’y umagos at hindi mabulok. Gaya ng isang sasakyang panghipapawid na hindi lilipad kapag mabigat ang pasan nito. Kung kaya’t alinmang bara o bigat ng pasanin ang mayroon ka, nawa’y subukan mo itong alisin upang maging matagumpay ka.

Posted in Tagalog Quotes

Pagsuko

Hindi karuwagan ang pag atras, hindi kahinaan ang paghingi ng tulong, at hindi pagkatalo ang pagsuko at pagpapakumbaba.

Isa lamang itong patunay na tao lang tayo at hindi tayo Diyos, nadadapa, natatalo, nasusugatan pero patuloy na lalaban

Posted in Tagalog Quotes

Ang buhay ay isang paglalakbay, malawak ang karagatan, madami pang karanasan. Maglayag ka’t magpakatatag, sabayan ang lunday, at ihip ng hangin. Ihanda ang layag at puntahan ang pangarap.