Posted in Mga Tula

Pantasya

Tila ang bawat pangyayari’y

hango lamang sa isang pantasya,

masaya ang umpisa’t

sa wakas ay may lumbay.

 

Bawat titik, Bawat salita,

bawat linya’y tagus tagusan,

damang dama ang panglaw

sa puso’y nananahan.

 

Kelan darating liwanag sa dilim,

kelan kaya ang lumbay

sa puso’y lilipas din.

 

Magpapakatatag para sa bagong simula,

dala ang ala alang iniukit ng nakaraan,

babaunin ang saya,

gagamitin ang karanansan

para sa aking pagbabalik

ako’y matatag na.

Advertisements
Posted in Mga Tula

Walang Duda Mahal Kita

Minsan ba sa buhay mo’y
Naalala mo ako?
Na sa gitna ng kabusyhan mo’y
Bigla akong papasok sa isip mo?

Minsan din ba’y tinimbang mo
Kung gaano ako kahalaga sayo
Na sa pagmamahal mo’y
Karapat dapat ba ako.

O di naman kaya’y natanong mo ang sarili mo
kung ako nga ba’y mahal mo at gaano ito.

Sapagkat ilang beses man akong tanungin ng ganito dito sa puso’t isip ko isa lang ang sagot ko,
OO MAHAL KITA AT WALANG DUDA YON!

Posted in Mga Tula

Pagbangon mula sa dusa

  • I

    Pagibig nga bang maituturing

    Ang pagiwan mo sa akin

    Sa gitna ng dilim

    Araw’at gabi’y naninimdim

    II

    Tanda pa nga pangako mo sa akin,

    Na sa habang buhay ako’y mamahalin

    Ngunit ngayo’y nasan na’t bakit umalis?

    Ako ngayo’y ito’t nagdudusa sa hapis

    III

    Ilang oras, ilang araw, ilang buwang pagdaramdam

    Aking dinusa mula ng ikay mamaalam

    Ilang luha, ilang sakit, at hinagpis sa akin ay nawaglit

    Ang damdamin ko’y pinunit na ata ng pait

    IV

    Umibig at nasaktan ngayon ay muling lalaban

    Haharapin ang panibagong bukas na hindi na ikaw ang kauban

    Salamat sa pait at hapding dinulot sakin

    Ngayon ay natuto’t didiretso na sa lakbayin

    Ito ay para sa aking pakikiisa sa pagdaraos ng buwan ng wika. Ipagmalaki natin Wikang Filipino, sariling wikang Atin!

Posted in Mga Tula

Masigasig

Ang Taong MASIGASIG

 

Di matitinag tumirik man ang tren na sinasakyan

Masiraan man ng bus sa daan

Malayo man ang pinanggalingan

paulit ulit mang matapakan

 

HINDING HINDI SUSUKO AT AATRAS

Posted in Mga Tula

Pagkapit

Minsan sa aking buhay naranasan ko nang kumapit

Walang humpay sa paghawak kahit na masakit

di alintana, ang init at ngawit

kahit na ang byahe ko’y aabot na ata sa langit

 

Posted in Mga Tula

EL-AR-TI

sasakyang bakal, tren sa itaas

puno ng mga tao na para bang sardinas

 

umaarangkada mula roosevelt hanggang baclaran

iba-iba ang haba ngunit iisa lang ang ruta

 

sa kahabaan ng edsa di alintana ang init

mga tao doon unti unting nangngingitngit

 

tulakan, unahan, sikuhan at tyansingan

iilan lamang sa mga pangyayaring karaniwan na lamang

 

mapababae, mapalalaki hala sige ang siksik

makarating lang sa kani kanilang destinasyon.

 

Posted in Mga Tula

Kalabog ng Dibdib

Minsan ba’y nadama mo na
Kalabog ng dibdib na di mawatasan
Puso’y di magkammayaw sa pagtambol
Kuryenteng dumadaloy sa saliw ng alinguyngoy
Sa loob ng mahabang panahon
Ngayon ko lang ulit naranasan
Isang malakas na kalabog
Sa dibdib ko ay dumapo
Ako’y nagulumihanan kung aanong dahilan
Ng kakaibang kalabog, sa dibdib ko’y gumugulo
Aking sinuri, siniyasat mabuti
Ang siyang dahilan nitong aking damdamin
Isa isang binalikan bawat gunita
Bawat alaala na sa akin ay nangyari
Hanggang sa mawatasan
Siyang punong dahilan
Kalabog ng dibdib na akin ngayo’y nararamdaman
Sa aking paggunita, unti unting nanariwa
Bawat pangyayari sa nakaraa’y lipas na
Tila isang tudla ang sa akin ay tumama
Dahil sa isang importanteng bagay
Na aking nakaligtaan
Mayamaya’y tila isang bukal
Sa mga mata ko’y umaagos na
Sa aking ppagupo minarapat kong tumayo
pinunasan mga luha sa aking mga mata
Ninais kong lisanin ang pwestong pinaggalingan
Dali daling lumakad sa dakong harapan
Hindi pinahalata itong aking nararamdaman
Sa tabi ng koduktor dahan dahang nilapitan
Saka unti unting binulong
Bawat katagang nais ipaalam
Mama para po, pitaka ko ay naiwan.

Posted in Mga Tula

Di na Muli Pa

Nasaktan dahil pinaasa
Iniwan at ngayo’y nagiisa
Puso’y sugatan
Damdaming luhaan
Idinaan sa pag iisa ang karanasan
Pinilit balikan ang nakaraan
Unti uting nanariwa bawat gunita
Nung mga panahong ako’y nag iisa
Dumating Ka mula sa kawalan
Sinabi mo na di ako iiwan
Nagtapat ka ng yong pagmamahal
Ngayo’y pinaiyak sa luhang nunukal
Ang sakit, ang hapdi ng aking hinagpis
Idinaan, at idadadaan nalang dito sa tapis
Muling babangon at magsisimula
Magiging matapang at malakas para sa bagong tula
Aking panambitang Iyo sana’y pakatandaan
ako’y di na muling luluha
Pagibig kong totoo’y di mo na makukuha.