Posted in hugot

Miss na kita Mama

Mama ayoko ng mag isa
Diko pala kaya maglakbay na wala ka

Mama ang hirap pala
Akala ko madali lang, mamuhay ng malaya

Mama miss na kita
Miss ko na ang iyong yakap at pag aalaga

Mahirap palang maging malayo sayo kasi yung akala mong kaya mo na ay siyang di pa pala

Mahirap palang mabuhay sa mundo na wala ang iyong paggabay

Mahirap palang magdesisyon, lalo na’t noon pa may ako’y pasaway

Mama, sana di kita binaliwala
Sa panahon na akala ko kaya ko ng mag isa
Sa panahong akala ko sa pagsuway mo’y ako’y di malaya

Mama, sana ngayon di nangungulila
Sobrang miss na kita

Kung maibabalik lang ang mga panahon na lagi kang kasama, at lagi kang nandyan.
Susulitin ko ang bawat araw at di na magpapasaway.

Mama, tandaan mo mahal kita, at
Kung nasan ka man, baunin mo itong aking yakap.

Advertisements
Posted in hugot

Hugot 101

Siguro nga ang talang akala mo’y abot kamay mo na ay ang talang hanggang tingin lang pala. Masyado pala itong mataas at kailanma’y di kayang makamtan