Posted in Short Poem

Katoto

Mayroon akong kaibigan

Na minahal ko ng lubusan

Kaulayaw ko sa kulitan

Karamay ko sa kadramahan

 

Isang kaibigang tunay na matalik

Kahit iwan mo’y nandyan parin

Pag kailangan mo’y walang tumpik

Asahan mo’t nandyan lagi

 

Isang taong lumipas ang aming pinagsamahan

Isang taon nagdaan, di ko man lang namalayan

Mga binuong ala ala ng nakaraan

Paulit ulit ko itong binabalik balikan

 

Tandang tanda ko pa

Noong unang araw na nakaulayaw ka

Puso ko’y nag uumapaw sa tuwa

Sapagkat di na ako nagiisa

 

Ikaw ang kasama sa tuwina

Sa mga problema ikaw ang kasangga

Madaming lakbayin na ating tinahak

Madaming kwento na ang siyang tumatak

 

Ngunit ngayo’y bat ganyan ka

Muli akong naiwang nagiisa

Binura mo ang saya

Na sa mga muka ko ikaw ang nagpinta

 

Hanggang dito na lang ba

At sadyang paalam na?

Bakit ganun diko tanggap

Na sa piling ko’y wala ka na

 

OO alam ko wala akong magagawa

Sadyang ganyan talaga ang tadhana

Ariin mo itong aking tula

Na sa kaibuturan ng puso ko nagmula

 

Paalam na kabaro, katoto, Kaibigan kong tunay.

Advertisements

Author:

The windows of life in a vast sea through the lens of an extraORDINARY mind. Traveller by choice, wanderer by heart and adventurer by nature. I go where my feet take me. TRAVEL is <3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s