Posted in Feature Articles, Just Saying

Ang Kandidato mo ay dapat…

By Aeron Abraham

 

Isang araw na lang at magaganap na naman ang makasaysayang yugto sa ating bansa kung saan ang buong sambayanang pilipino ay pipili ng lideratong siyang mamumuno at mamamahala sa ating bansa. Makilahok, Makisali at Makialam, kapakanan mo at ng buong bansa ang nakasalalay dito.

Caricature-Presidentiables_CNNPH

(Photo credits to CNN-Miggy Crisostomo)

 

Ngayong nalalapit na election, anu ba ang stand mo? Sino ang iboboto mo? At anung mga katangian ba ang hinahanap mo sa isang kandidato. Alam ko naguguluhan ka parin sa mga nangyayari sa iyong kapaligiran, meron ka nang napili na kandidato ngunit nagdadalawang isip ka pa o di kaya naman ay may napili ka nang kandidato marahil sa platapormang kanyang ilulunsad. Maaaring tama o mali ang aking mga binanggit ngunit sigurado ka na ba sa kandidato mo?

 

Isang malaking pagpapaalala lang sa lahat na bago tayo pumili ng isang kandidato suriin muna natin ang kanilang mga katangian.

Ang mga kandidato ay dapat:

  1. May Integridad, pag sinabing integridad ay yung gumagawa ng mabuti sa lahat ng oras. Kaakibat nito ang salitang Honesty, kung saan ang isang kandidato dapat na tapat sa kanyang serbisyo may nakatingin man o wala, Tapat sa isip, sa salita lalong lalo na sa gawa. Isang kandidato na may isang salita, na hindi lamang puro palatag ng papel sa umpisa at kapag nakaluklok na ay wala na.

Huwag maniniwala sa mga kandidatong hanggang sa umpisa lang magaling, hanggang eleksyon lang mabait at madaling lapitan. Siguraduhing ang kandidatong pipiliin mo ay tapat at may integridad sa kanyang pagseserbisyo para sa bayan

 

  1. Ang kandidatong dapat mong piliin at iboto dapat ay hindi lang dapat puro talino at kaalaman, dapat ding isa alang alang ang kanyang kakayahan sa pagsasagawa ng mga plano at platapormang kanyang nais gawin. Tignan ang kanyang kapasidad sa bawat aspeto ng kanyang pagkatao. May mga kandidato kasi na hanggang salita lang, sisiluin ka sa mga plataporma nyang pangmasa daw kuno at pagnahulog ka na sa kanyang mabubulaklak na salita ay talo ka na.

Ang kaalaman ay hindi sapat kung walang kapasidad at kakayahan sa pagsasagawa nito lalong lalo na kung wala naman talagang intensiyong isagawa ang bawat platapormang nakalatag. Tandaan sadyang matatalino ang mga tao ngayon, hahanapin muna nila ang iyong kiliti at pag nahulog ka na sa kanilang bitag ay tapos ka na.

 

  1. Dapat ang kandidato mo ay may malinis na kamay at adhikain para sa bayan. Huwag pipili ng kandidatong ang iniisip ay pangsarili lamang. β€œservice more than self” yan dapat yung pinanghahawakan nila. May mga kandidato kasi dyan na tumatakbo sa isang posisyon sa gobyerno dahil mayroon silang intensyon , maging pansarili man ito o para sa bayan talaga.

 

Huwag maniniwala sa sa mga kandidatong nagmamalinis, kandidatong walang ibang pinakita sayo ay yung puro kabutihan nya at mga nagawa para sa bayan. Mas mainam na ibackground check mo muna ang bawat kandidato at kilalanin mo muna silang mabuti.

  1. Kandidatong may puso at paninindigan. Dapat ang kandidato mo may paninindigan, hindi yung madaling maimpluwensyahan at mabulungan ng mga taong nasa paligid nya. Kandidatong may puso para sa serbisyo, kandidatong pursigido at ang mindset ay para sa pilipinas lamang. Yang ang mga nararapat na maupo sa posisyon at mamuno sa buong nasyon.

May mga kandidato kasi na mabilis magbago ang isip lalo nap ag nabulungan na ng mga nasa paligid nila, mga kandidatong hindi kayang suportahan yung mga platapormang nilalatag nila, huwag papadaya dahil sa huli ikaw din ang magsisisi.

 

  1. At ang pinakahuli sa lahat ay hindi sakim sa kapangyarihan. May mga tao ngayon na walang ibang hinangad kundi ang magkaroon ng kapangyarihan sa kadahilanan may kani kaniya silang intensyon. Mga kandidatong kapag hawak na ang posisyon ehh ginagamit lamang ito para sa kanilang sarili lamang. Madaling magbalatkayo, madaling ipakita ang mga bagay na hindi ka naman talaga marahil sa ngayon ay ganyan sila sa kung anu mo sila nakikita ngunit hindi mo din masasabi kung anu talaga sila once na nasa kanila na ang kapangyarihan.

 

Huwag maging isang BOBOtante, siguraduhin mong maigi na ang kandidatong pipiliin mo ay karapat dapat para sa posisyon. Huwag mong hayaang sa huli ay ang buong bayan ang magsisisi. Maging mapanuri at mapagmatyag, hindi lahat na nakikita ng iyong mata at naririnig ng iyong mga tenga ay syang dapat paniwalaan. Isa alang alang mo na ang kapakanan ng ating bayan ay nakasalalay sa pinunong uupo sa posisyon at kung hindi tama at karapat dapat ang iyong iboboto, paano na ang ating bayan?

 

Advertisements

Author:

The windows of life in a vast sea through the lens of an extraORDINARY mind. Traveller by choice, wanderer by heart and adventurer by nature. I go where my feet take me. TRAVEL is <3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s