Posted in Feature Articles

SAKLAP

May mga bagay talaga na di mo sukat akalaing mangyayare, yung inaakala mong safe na ay hindi parin pala, yung inaakala mong okay na di pa pala at yung inaakala mong masaya ka na pero matatapos din pala.

Minsan sa buhay ko naranasan ko ng masaktan dahil sa pagiging kampante ko sa mga bagay bagay, ang lakas ko kasing magassume ayun in the end wala din pala. Narealize ko wala na pala talagang safe na lugar ngayon dahil nagkalat na yung mga masasamang tao, nakapaligid lang sya sayo hinihintay ang tamang pagkakataon para makalamang sayo pero ikaw naman tong assuming na safe ka at walang mangyayari sayong masama,nagpakampante ka at di mo inisip ang mga bagay na maaaring mangyare. payong kapatid wag magpakampante at maging alerto anumang oras, di natin masasabi kung kelan tayo aatakihin ng masasamang tao.

Minsan naman namimisinterpret natin yung mga bagay bagay, yung akala mo okay na pero yung totoo hindi pa pala talaga, kasi minsan nagiging insensitive at manhid tayo, or wag nating sabihing minsan kundi madalas ang iniisip natin ehh yung pangsarili nating kapakanan kaya minsan nagmimistula tayong bulag sa mga bagay na akala natin ehh tama na, okay na pero hindi pa pala talaga. Minsan naman iisipin natin na okay tayo pero ang totoo hindi naman talaga kasi apektado parin tayo sa nakaraan na kahit anong pilit mong kalimutan ito ay may mga bagay parin sayo na pilit ipapaalala sayo kahit ayaw mo. Lesson learned? Never Assume and Deny mas masakit yun.

At eto pa ang masaklap, may mga pagkakataong inaakala natin na tuloy tuloy ng kasiyahang nararanasan natin dahil nandun tayo sa peak of enjoyment na tinatawag na kung saan wala kang pakialam sa mga bagay na mangyayari dahil isinasarado mo ang sarili mo sa kasalukuyang kasiyahang nararamdaman mo. Ang saklap nyan kasi lahat naman tayo naghahangad ng kasiyahan at kaligayahan sa buhay tapos bigla bigla nalang may mangyayaring isang bagay na di motalaga inaasahan na siyang magpapabago sa pakiramdam mo sa kasalukuyan. Advice ko lang never settle for short time happiness, expect that in life there’s also sadness, pain and suffering and we should be ready for it.

tatlong punto ngunit iisa lang ang konteksto, tatlong pangungusap ngunit iisa lang ang pinaguusapan yun ay ang mabigat na katagang “ASSUMING”, masyado tayong nagiging kampante at assuming kaya minsan may mga negatibong bagay tayong nararanasan na lingid sa ating kagustuhan. Minsan na tayong nasaktan, napahamak at nabiktima at huwag na nating hayaang maulit pa. Maging alerto, mapanuri at mapagmatiyag huwag magpakakampante at magisip ng maigi bago sumabak sa mga bagay bagay, kelangan isaalang alang mo ding ang ibang bagay bago ka sumigi at lumarga.

Advertisements

Author:

The windows of life in a vast sea through the lens of an extraORDINARY mind. Traveller by choice, wanderer by heart and adventurer by nature. I go where my feet take me. TRAVEL is <3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s