Posted in Mga Tula

Kalabog ng Dibdib

Minsan ba’y nadama mo na
Kalabog ng dibdib na di mawatasan
Puso’y di magkammayaw sa pagtambol
Kuryenteng dumadaloy sa saliw ng alinguyngoy
Sa loob ng mahabang panahon
Ngayon ko lang ulit naranasan
Isang malakas na kalabog
Sa dibdib ko ay dumapo
Ako’y nagulumihanan kung aanong dahilan
Ng kakaibang kalabog, sa dibdib ko’y gumugulo
Aking sinuri, siniyasat mabuti
Ang siyang dahilan nitong aking damdamin
Isa isang binalikan bawat gunita
Bawat alaala na sa akin ay nangyari
Hanggang sa mawatasan
Siyang punong dahilan
Kalabog ng dibdib na akin ngayo’y nararamdaman
Sa aking paggunita, unti unting nanariwa
Bawat pangyayari sa nakaraa’y lipas na
Tila isang tudla ang sa akin ay tumama
Dahil sa isang importanteng bagay
Na aking nakaligtaan
Mayamaya’y tila isang bukal
Sa mga mata ko’y umaagos na
Sa aking ppagupo minarapat kong tumayo
pinunasan mga luha sa aking mga mata
Ninais kong lisanin ang pwestong pinaggalingan
Dali daling lumakad sa dakong harapan
Hindi pinahalata itong aking nararamdaman
Sa tabi ng koduktor dahan dahang nilapitan
Saka unti unting binulong
Bawat katagang nais ipaalam
Mama para po, pitaka ko ay naiwan.

Advertisements

Author:

The windows of life in a vast sea through the lens of an extraORDINARY mind. Traveller by choice, wanderer by heart and adventurer by nature. I go where my feet take me. TRAVEL is <3

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s