Posted in Mga Tula

Spoken Poetry: Tagu-Taguan

Tagu taguan maliwanag ang buwan

 

Sing liwanag ng ngiti mong pumapawi saking kadiliman

Sing ning ning ng kislap ng mga mata mong malabituin ang kinang

Sing rikit ng kagandahang loob mo na diko na nais pang bitiwan.

 

Taliwas sa paghanga kong itong pangmalayuan lang ang datingan.

 

Tagu taguan, maliwanag ang buwan

Pagkabilang ko tatlo nakatago na kayo

 

Tagong paghangang umusbong sa pagbabalatkayo

Tagong pagibig na di ko masabi sa iyo

Palihim na  paghanga na tinatago ko dito

 

Oo duwag ako,

Duwag ako kasi takot ako

Takot ako kasi ayoko ng maloko

Maloko sa pag ibig na hindi naman totoo

Maniwala sa mga salita mong puno ng pagpapabango

At umasa sa pangako na mahal mo din ako

 

Oo sawa na ko,

Sawang sawa nakong lumigaya ng panadalian

Lumipad sa alapaap na para bang may pakpak

At bigla nalang mahulog sa katotohanang

Ang lahat pala ng mga iyo’y pansamatala lamang

 

Parang sigarilyong  nauupos na sa kakahithit mo’t humaling ka na di mamalayang ito na pala ay ubos

Pero di pa yan tapos , dahil

Magmimistulang batang musmos

Na gusto mo pa at hihingi ka ng limos

Kaso wala ka na’t nalaos

 

Tagu taguan, maliwanag ang buwan pagkabilang ko tatlo nakatago na kayo

 

Tatlo, oo tatlo

Tatlong bagay lang naman ang gusto ko

Tatlong bagay na kahit anong gawin ko hindi ko din matanto

Tatlong bagay na sa tingin ko malabong makamit ko

 

Una ikaw at ako

Na sana meron tayo

Pero ayoko ng mahulog ng walang sumasalo

Kaya dito palang suko na ako

Kasi alam ko sa dulo ako lang din ang talo

 

Ikalawa,

Pangalawa palang to pero parang ayoko ng ituloy

Para akong namatayang nanghihingi ng abuloy

Ganyan talaga ang buhay puno ng panaghoy

Ang sakit na sa dibdib parang gusto kong sumigaw ng HOY!

Kasi sa totoo lang

Alam kong wala kang pakialam

Pero pakinggan mo sana’t nais kitang mahagkan

Kahit na saglitan lamang

Yung tayong dalawa lang

Pero nadadalawang isip din ako kaya wag na lang

 

Pangatlo,

Eto na at aking itotodo

Lahat ng sasabihin ko

Gusto kong marinig mo

Gusto kita at di to biro

Gusto kita kaya eto ako’y tuliro

Patuloy na nakikipaglaro

Sa mundo ng pag ibig na ako ay bigo

Hinahangad manalo

Na sa dulo sana tanging tinig ko ang marinig mo

Ang sisigaw ng BINGO! Sabay takbo palapit sayo

Pero wala nga palang tayo

Kaya gigising nalang ako

Gigising sa panaginip at bangungot na ito

Na malabong magkatotoo

Kasi alam ko na iba ang gusto mo

 

Sa malayo titingin nalang ako

Magmamahal ng lingid sa kaalaman mo

Masaya nako dito

Magmamahal ng patago…

 

Tagu taguan maliwanag ang buwan, pagkabilang ko tatlo nakatago na kayo

 

Isa……….

 

Dalawa…..

 

Tatlo…..

 

Bibitaw nalang ako para tapos na ito

Bibitaw nalang ako at ako naman ang magtatago

Sawa nakong maging taya kakahanap sa iyo

Para sana man lang maranasan kong hanapin din ako

Pero sa pagkakataong ito

gagalingan ko muna ang pagtatago

 

Hangang sa magtagpo

Ang landas ng isang ikaw at ako

Yung siguradong TAYO

Magsasama hanggang sa dulo ng mundo

Advertisements
Posted in Mga Tula

Love Online

Matahas na pag iibigan
Nagsimula sa simpleng usapan
Napunta sa kung saan
Hanggang di mawari’t sya’y lumisan

Oh pag ibig san nagkamali
Mga nagawa ko’y di mawari
Tinanong ang sarili
Mali ba ang aking nasabi
Dilag na kaulayaw ko’y nawala ng walang pasabi

Sa anim na buwan na sumapit
Diko alam na ika’y naakit
sa tuald kong abang marikit
Tibok ng puso mo’y ako na pala ang sambit

Bakit ngayo’y wala ka na
Ako ba sayo’y wala ng halaga
Dahil ba sa nasambit na kataga
Pasensiya na’t sa una’y di talaga naniniwala

Pero ngayon kung muling tatanungin
Isa lang ang aking sasambitin
Ngayo’y naniniwala mandin
Kaulayaw sa chat ay pwedeng ding mahalin

Posted in Mga Tula

Hanggang sa Dulo

Kakapit kahit masakit na
Lalaban dahil kakayanin pa
Hihinto pero hindi susuko
Ipagpapatuloy hanggang sa dulo
Mahirap pero magagawa
Tatapusin kahit lumuluha

Haharapin ang madla
Kahit mukang kawawa
Ipapakitang ako’y matatag
Kahit sa kaloob looba’y basag
Hinding hindi magpapatalo
Kahit na sinomang luko luko

Tatapusin ang laban nato
Buo ang loob, taas noo
Hindi magpapatalo
Kahit na  kanino
kahit pa sa takot ko

Ayan na malapit na
Tanaw ko na ang linya
Aabutin ko ang bandera
Ang lakbaying ito’y matatapos na

eto na ang bandera, akin na itong hawak
Iwawagayway ng buong galak
Ako ang panalo sa patimpalak

Posted in Feature Articles, Uncategorized

Dear Self,

Lulunurin mo nanaman ba ang iyong mga mata ng luha? Luha na gabi gabi na lang ay kusang kumakawala. Kailan ka ba masasanay sa mga taong darating at aalis na lang bigla? Kailan mo matutunan na ngumiti ng walang hlong daya? Alam mong kaya mo yan ; Noong nakaraan lamang imot mo ang sakit, nakita ko na wagas ang mga ngiti mo. Siya rin naman ang dahilan hindi ba? Siya at siya lang din naman ang dahilan ng pighati at ngiti. Huwag kang mag-alala nandito parin ako. Ako na ikaw, Ako na kailanma’y hindi bibitaw. Kasama mo akong babangon, haharapin natin ang lahat ng hamon. Kaya’t humimbing ka na at wag na muling patuluin ang luhang siya ang nagdudulot.

Posted in Short Poem

On the Dot

I am a poet

Whose pen is inkless
Where words is scattered
With a poem that is rhymeless

I can’t construct a thought
that people could understand
I just write with a knot
Using my lazy hand

I share what I want to share
With my story that is endless
I write all about the things I care
Even to you it is pointless

Indeed a jack of all jack
An untouchable master of none
An isolated pariah
A not so important one

Well this is actually a story
Of someone’s who’s after his glory
Someone confused, so empty distraught
Compared to a season, his life is in drought

His journey is boring
His life is lacking
Wandering in the wilderness
With all his might and foolishness

This is not just a poem
of a nonsense poet
This is also his jaunt
So judge him don’t

Searching for reasons
Of all the things in this treason
Finding his sail for direction
Can’t barely make any motion

He is a loser in the making
Just like a faded drawing
Been left behind by ages
Been swallowed by his savages

A lone soldier in this battle
A lonely fisherman without a paddle
Seems like a farmer who lost his cattle
Yes deep inside he is brittle

Lining up the cavalcade
Of all the losers in a parade
Starting to quit and walk away
Going to a place real faraway

This journey must continue
So let us not go any further adieu
Just wait in line as if in queue
How this story will end without a clue

Well, His story is not yet ending
So finish this poem as if we’re hanging
Might as well there’s a good finale
Like a graceful bow in a ballet

Life is not life without a problem
Just like the most precious emblem
Endure the tough and bumpy ride
You are the driver so learn how to drive

Posted in Uncategorized

Aking Bituin

Abot tanaw ang iyong kislap
Lagi ko itong tanaw sa alapaap

Ang ‘yong makislap na ngiti
Hatid saki’y kakaibang kiliti

Ika’y aking bituin sa langit
Araw, gabi’t masdan iyong rikit

Hanggang tingin na lang ba, ikaw aking giliw
Darating kaya ang araw na ika’y mapasakin din

Pano kayamakakamit, ang tulad mong dilag na marikit
Na tipong mga mata ko’y napako na’t di maipikit

Minamasdan kislap mo sa ibabaw ng langit
Mala anghel mong muka’y sa isip di mawaglit

Oh bituing maningning
Dinggin mo sana itong aking daing

Abot tanaw na lamang ba kita
Sana’y bumaba ka’t magibg abot kamay ko na

Pakinggan mo sana tula ng isang aba
Na sa iyong kagandaha’y lubos na humahanga

Bigyan sanang pansin
Itong aking damdamin

Iniibig kita,
Saksi ang buong langit

Itinatangi kita,
Kailanma’y di ka ipagpapalit

Oh aking bituing marikit sa langit
Ako yata’y masisiraan na ng bait

Di ko kayang mawala ka sa aking paningin
Puso mo ba’y paano mapapasaakin

Oh binibini, aking sinisintang pag ibig
Pakinggan itong sinisigaw nitong aking dibdib

Mahal kita sana ganun kadin sa akin.

Posted in Feature Articles

#TFCUtalks in Manila: Make Your Mark

TFCU Invades Manila as it held their very first TFCU talks in the Philippines last March 27 at the Dolphy Theater – Sgt. Esguerra Ave cor. Mother Ignacia St. Quezon City Philippines. Spearheaded by TFC (The Filipino Channel) in cooperation with ABS-CBN corporation.

The TFCU talks was packed with 3 great speakers who made their mark as an individual with passion and purpose. The said program were delegated by the different Universities, Colleges and other media partners.

The program started with the singing of the national anthem followed by the invocation led by a student from the Polytechnic University of the Philippines. Then a welcoming remarks were given by the COO . Moving on, Engr. Aisa Mijeno, one of the speaker, shared her story on coming up with her ingenious craft- The SALT LAMP. “You don’t have to do big things to make a change.” she said as she challenged the delegates on finding their purpose and creating a positive impact for the common good. Then a 30- an hour break was given to the delegates preparing them for the next talk.

Mr. Jonathan Joson who is an experienced digital marketer and an affiliate of Google gave his 4 cents after the break where he shared 4 important factors millenials must know. First is that Everyone is entitled for mistakes for “career starts at 30” as he said. “In order for you to excel, you have to practice a lot. Ten thousand hours and a lot more.” he added. Second is to make value as “People don’t care how much you know until they know how much you care”. Third is, measure everything for “A life well-measured is a life worth living and lastly the fourth, is to take control for the worst thing you can ever experience is to yonder along aimlessly”.

Finally, Mr. Garett G took the stage and shared his story on how he has created his mark and his experience staying here in the Philippines. He also shared his story of success, passion and advocacy as he continue to make his mark in this world.

Then, a blasting performance that rocked the audience were given as KZ Tandingan, the soul supreme heat up the stage with her astounding song productions. The program ended with a closing remark and a photo ops with the speakers.

“As an individual youth of today’s era, attending the TFCU talks prompted me to push through and hold on still amid life’s debacles and endeavors. It motivated me to be the best individual as I can be. Everyone has their own story. Stories of success and some are of failures. Despite of those, everyone can shine and make a mark, leaving footprints behind, creating a positive societal impact. TFCU reminded me to be strong and passionate ,igniting my zealous desires to keep on moving forward. Though the stars seem to be out of reach, but with perseverance and dedication your goals and dreams will be within your grasp.”

-Aeron Abraham

 

Posted in Feature Articles, Uncategorized

Ang mundo’y sadyang mapanghusga. Marami sa mga tao, iniisip na nakahihigit sila. Ngunit ang iba nama’y patuloy na hinayaang maiwan sila sa ibaba. OO, Tama! Ang mundo ay hindi patas. Bakit hindi nalang ginawang pantay ang lahat; Bakit di na lang magkakapareho ang lahat. Ang mga iyan ay iilan lamang sa mga bagay na umiiral sa aking mumunti at payak na isipan. Namulat ako sa mundong mapanghusga, Nabuhay ako sa mundong dilat ang mata. Dilat ang mga mata sa mga bagay na nangyayari sa kapaligiran. Dilat ang mata sa mga katotohanang hindi nakikita ng ilan. Ang mundo’y may pagtatangi sa iba; Ang mundo’y hindi patas.

 

Ako si Tikboy, labindalawang taong gulang. Mulat sa kahirapan, Salat sa kayamanan. Kuto sa tingin ng iilan. Pabigat sa mata ng lipunan. Sampung taon ako noong ako’y maulila nang parehong matupok ng nagngangalit na apoy ang aking mga magulang noong nasunog ang aming tahanan siyam na taong gulang palang ako. Namuhay akong nagiisa, palaboy laboy sa kalsada. Tanging sarili ang naging kandungan. Sipag at tiyaga ang aking naging puhunan. Sa kabila ng pagdarahop na aking tinamasa ni minsan di ako nagalit doon sa tao sa itaas. OO, aaminin ko. Minsa’y kinukwestiyon ko siya, kung minsa’y sinisisi ko sya. Anupa’t narito ako sa mundong ibabaw kung patuloy lang din nya akong idadayukdok sa dusa. Ngunit alam ko naman na may dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito. Dahil may plano Siya para sa bawat isa sa atin.

 

Dito ako sa tondo napadpad. Kung saan, halos buong buhay ko dito na idinusta. Saksi ako sa lahat ng kaguluhan; Saksi ako sa lahat ng karahasan. Labing isang taong gulang ako ng matuto akong magbatak. Tulak dito, tulak doon. Singhot dito, singhot doon. Lagi akong kabilang sa mga basagan, Kahit sino pa yan wala akong uurungan. Pabalik balik ako sa kulungan. Bawat pasikot ay kabisado ko na. Hanggang isang araw, doon sa aking selda. Tila may isang sensasyong kumudlit sa aking matigas na damdamin. Isang pakiramdam na di ko mawari. Sumandaling napatigil, sa kawala’y sumisid. Binalikan lahat, bawat pangyayari. Hanggang ang bukal sa mga mata’y walang tigil na sa pagtagas. Naalala ko noong kabataan ko, napakasaya ng pagkabata ko. Ang nanay ay laging nakangiti, pakanta kanta sa bawat gawain. Ang tatay ay laging may pasalubong na bitbit di alintana ang pagod sa trabaho. Namiss ko ang mga magulang ko, mga magulang na ngayon ay wala na ako. Dahil dito naging ganito ang buhay ko. Magulo, marahas, walang direksyon.

 

Lumipas ang sampung taon, ngayon ay tignan nyo ako. Sino ang magaakalang ang batang mistulang walang direksiyon noon ay haharap sa inyo ngayon. Magtatapos ng may pinakamataas na parangal sa kurson pagaabogasya. Sinong mag aakalang ang batang palaboy noon ay magiging ganito na ngayon. Marahil siguro ay nagtataka kayo, di makapaniwala sa mga narinig ninyo. Tama po ang narinig ninyo, lahat ng sinabi ko ay totoo. Bakit ko sinasabi ito? Marahil ay gusto kong ipaalam sa inyo, mga kamag aral ko, mga guro, at mga magulang na naririto na sa usaping edukasyon ay walang mayaman, walang mahirap; walang mabuti, walang masama. Na kahit ano ka man o sino ka man, hindi malabong magtagumpay ka basta’t magsumikap ka. Walang ibang hadlang sa pagaaral kundi ang sarili mo lamang. Maaring kapos ka sa pera o di nama’y sadyang wala ka, pero kung nais mo talaga ang isang bagay hahanap at hahanap ka ng paraan para makamit mo ito. Papaano? Madali lang po. Tanging sarili mo lang ang makakatulong sa iyo. Hanggat patuloy kang lumalaban, hanggat patuloy kang nagsusumikap at hanggat patuloy kang bumabangon pagkatapos madapa. Pasasaan pa’t maabot mo rin ang bituing nais mong abutin.

 

Walang mataas na bundok, malalim na dagat at matigas na bato ang kayang tumibag sa taong handang gawin ang lahat para umunlad. Hindi naging hadlang ang masalimuot na nakaraan, ang aking mga pinagdaanan upang marating ko kung nasaan man ako ngayon. Bagkus, ginamit ko ang mga ito bilang motibasyon upang patuloy akong magpursige upang mapaunlad at mabago ang takbo ng buhay ko. Hindi biro ang lahat ngunit nagpapasalamat ako sa Maykapal dahil hindi nya ako hinayaan. Hindi sya sumuko noong panahong gusto ko ng sumuko. Salamat, Salamat sa mga taong ginamit nyang instrumento upang maituwid muli ang landas na minsan ng nabaluktot.

 

Alay ko ang tagumpay na ito sa Diyos, sa mga magulang ko na pinapanuod ako mula sa itaas, mga taong sumuporta at patuloy na sumusuporta sa akin. Walang Mark Tyler Tuazon dito sa harap nyo kung wala ang mga taong ito. Ngayon sa araw ng ating pagtatapos mga kapwa ko estudyante, patuloy nating pagningasin ang apoy na isinindi sa atin ng ating mga magulang at guro. Patuloy nating paningningin ang ilaw natin upang magsilbing inspirasyon sa mga taong nakapaligid sa atin. Alam ko na bawat isa sa atin ay may kanya kanyang kwento, kanya kanyang aral na napulot at kanya kanyang karanasan na ating babaunin sa patuloy na paglalayag sa susunod na yugto ng ating buhay.

 

Ngayon sa araw na ito ipinapangako ko na patuloy akong magsisilbing inspirasyon sa bawat isa. Patuloy kong itataguyod ang pangarap ko at ng mga magulang ko. Patuloy kong payayabungin ang nasiimulan kong adhikain at adbokasiya. Sa ating pagtatapos binabati ko kayong lahat, patuloy tayong sumulong at gampanan ang bawat papel na nakaatang sa atin. Patuloy nating parangalan ang ating mga magulang lalong lalo na ang ating bayan. Muli binabati ko kayo at maligayang araw ng pagtatapos. Maraming salamat po at pagpalain nawa tayo!

PS.

This is just a product of my mind to inspire youth to continue reaching their dreams. To motivate every individual that there may be a lot of obstacles to face but as log as you keep moving you’ll get going.